Gilas magsasagawa ng 3-day training para sa SEABA

Magsasagawa ng tatlong araw na pagsasanay ang Gilas Pilipinas bilang paghahanda sa SEABA championship na gaganapin sa bansa sa Mayo a-dose hanggang a-disiotso ng taong kasalukuyan.

Ayon kay head coach Chot Reyes, isasagawa ang training camp simula Marso katorse hanggang a-disisais.

Ito ay para hindi raw maapektuhan ng pagbubukas ng Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup sa Marso 17.

Sinabi pa ni Reyes na ang team ay binubuo ng dalawampu’t limang local players kasama na ang labindalawang Gilas cadets at si naturalized player Andray Blatche.

Speak Your Mind

*