Graduation rites, dapat isagawa bago o mismong araw ng April 7 – DepEd

Bago o sa mismong araw ng April 7 dapat isagawa ang graduation rites o moving up para sa magtatapos na grade 10 ngayong taon.

Ito ayon kay Cesar Bucsit, Administrative Officer ng DepEd Region 1 ay batay sa memorandum order na inilabas ng Kagawaran ng Edukayon.

Sinabi pa ni Bucsit na mahigpit na ipinapaalala ng kagawaran ng edukasyon na ang lahat ng gaatusin sa graduation rites ay dapat na magmumula sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) mula sa 2017 budget.

Mahigpit din umanong pinagbabawalan ang sinumang DepEd personnel na mangulekta ng graduation fee o anumang klase ng kontribusyon.

Nilinaw pa ni Bucsit na dapat maging voluntary basis ang contribution sa year book lalo na kung ito ay may kamahalan

Speak Your Mind

*