Grupong BAYAN ikinatuwa ang muling pagbubukas ng peace talks

Ikinatuwa ng militanteng grupo na Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang muling pagbubukas ng usaping pangkapayaapan sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Sinabi ni BAYAN Secretary General Renato Reyes, na tama lamang ang desisyon ng Administrasyong Duterte na bigyan pa ng isang pagkakataon ang peace process.

Giit ni Reyes, hindi naman mawawakasan ng all-out war ang rebolusyon ng mga komunista.

Hindi rin aniya dapat pang tularan ng pangulo ang mga ginawang hakbang ng mga nagdaang administrasyon na nagdeklara ng all-out war pero nangabigo.

Speak Your Mind

*