Gusali ng DENR-Central Visayas nasunog

Nasunog ang dalawang palapag na gusali ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Central Visayas sa  Green Plains Subdivision sa Barangay Banilad, Mandaue City.

Ayon kay Senior Fire Officer 2 Cipriano Codilla, Jr., nagsimula ang apoy sa Integrated Coastal Resources Management project building at agad itong kumalat sa kalapit na gusali.

Maliban sa opisina ng DENR-Central Visayas, nadamay rin sa sunog ang dalawa pang palapag na gusali at dalawang sasakyang nakaparada sa loob ng compound.

Tinatayang aabot sa P1.2 milyon ang halaga ng nasunog na mga ari-arian.

Speak Your Mind

*