HR head ng Davao, handa raw humarap sa Senate inquiry

Nakahanda raw ang isang opisyal ng Davao City Human Resource and Management Office (HRMO) na dumalo sa mga pagdinig ng Senado.

Ito ay kung iimbestigahan umano ang tungkol kay Jerry Trocio, isang Davao City employee na sinasabing isa sa mga persons of interest sa pagpatay sa radio broadcaster na si Jun Pala.

Nilinaw ni HRMO Head Erwin Alparaque na wala siyang alam kung ang nasabing personahe ay nabibilang pa sa city payroll.

Magugunitang sa Senate inquiry, sinabi ni retired Police Officer Arturo Lascañas na tumulong sa kanya si Trocio para patayin ang broadcaster na si Jun Pala.

Kapalit umano ng pagpatay ang apat na milyong pisong bayad mula kay dating mayor at ngayo’y Pangulong Rodrigo Duterte.

Napag-alamang si Trocio ay dating miyembro ng New People’s Army (NPA) at part-time security/bodyguard noon ni Pala.

Speak Your Mind

*