Ibat-ibang aktibidad para sa gaganaping Pangasinan Umaani Expo 2017, kasado na

Kasado na ang isasagawang kauna-unahang Pangasinan Umaani Expo 2017 na gaganapin ngayong darating na Marso a-28 sa Department of Agriculture Regional Office 1 sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Office of Provincial Agriculture (OPAG) Director Dalisay Moya, na mismong si Gov. Amado “Pogi” Espino ang bunuo ng konseptong Umaani Expo para sa mga magsasaka.

Layun nito na ipakita ng mga masaganang ani ng mga magsasaka ng palay, mais, gulay, livestock maging sa sector ng pangisdaan.

Tampok din dito ang pagkilala sa kontribusyon ng ibat-ibang sektor mula sa agrikultura at mga kababaihan sa pamamagitan ng agri-business forum at family health and wellness activity.

 

Dagdag pa ni Moya na bahagi sa aktibidad na pakita ang pinaka bagong teknolohiya sa rice technology forum at farm mechanization field demonstration.

 

Matutunghayan din umano sa Umaani Expo ang pinaka-masaganang ani mula sa ibat-ibang produkto ng gulay, prutas at isda.

Speak Your Mind

*