Information Dissemination Campaign hinggil sa rabies, nakatuon sa mga paaralan

Nakatuon ang information dissemination campaign hinggil sa rabies ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVET) sa mga pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio sinabi ni Dr. Eric Jose Perez, Officer-In-Charge ng OPVET, na ito ay dahil ang mga bata ang mas prone sa mga animal bites.

 

Naniniwala ang OPVET na sa ipinapakita nilang video presentation sa mga isinasagawang lecture and seminar ay magkakaroon ng kamalayan ang mga bata patungkol sa rabies.

Dagdag pa ni Perez na wala sanang maitatalang mortality sa kaso ng rabies kung alam lang ng bawat isa ang dapat gawin kapag nakagat ng alagang hayop.

Nabatid na isa ang lalawigan ng Pangasinan sa may pinaka-mataas na kaso ng rabies sa buong bansa noong nakaraang taon.


Anti-Rabies Massive Vaccination, tuloy-tuloy na isinasagawa sa Pangasinan

Tuloy-tuloy ang isinagawang Anti-Rabies Massive Vaccination ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVET) sa lalawigan ng Pangasinan kaugnay sa selebrasyon ng Rabies Awareness Month.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Dr. Eric Perez, Officer-In-Charge ng OPVET, na ang hakbang na ito ay upang maiwasan at makontrol na epekto ng rabies.

Sa katunayan, umiikot na sa mga Barangay ng Pangasinan ang opvet para sa pagsasagawa ng Anti-Rabies Vaccination sa mga alagang aso.   

Apela naman ni Dr. Perez sa mga Barangay Officials na suportahan ang kanilang programa dahil bahagyang mababa ang bilang ng mga alagang aso na kanilang nababakunahan.

Maaari naman aniyang bakunahan ang lahat ng mga warm blooded animals ay binabakuhan ng OPVET gaya ng mga puso at onggoy.

Speak Your Mind

*