‘Instrument of accession’ para sa Paris Agreement on Climate Change, isusumite sa Senado

Matapos mapirmahan ang Paris Agreement on Climate Change kagabi, isusumite na ng Office of the President ang pirmadong ‘instrument of accession’ sa Senado ngayong araw para maratipikahan.

Ang ‘instrument of accession’ ay dokumentong nagpapatunay ng ratipikasyon ng Pilipinas sa nasabing climate change agreement.

Ang pagdaan sa Senado ang huling proseso ng ratipikasyon ng kasunduan.

Ibinigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ang dokumento noong Enero sa unang Climate Change Commission and Advisory Board en banc meeting ng administrasyon.

Ang Paris Climate Change Agreement ang unang legally-binding global agreement patungkol sa climate change na pirmado nang halos lahat ng bansa sa buong mundo.

Speak Your Mind

*