Ipinatupad na libreng irrigation service fee ng NIA, malaking tulong sa mga magsasaka

Walang nakikitang epekto sa serbisyong naibibigay ng National Irrigation Administration o NIA ang libreng irrigation service fee ng mga magsasaka para sa pagpapatubig sa kanilang sakahan.

Ito ang inihayag ni Ernesto Pamoceno, Presidente ng Pangasinan Federation Irrigation Association sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan nagsimula itong ipatupad noong Enero taong 2017.

Partikular na sinabi pa ni Pamoceno ang hinggil sa suweldo ng mga empleyado ng NIA dahil ito ay nagmumula na sa national government.

 

Ayon pa kay Pamoceno na ang ipinatupad na lebring irrigation service fee ay malaking tulong sa mga magsasaka dahil nabawasan na ang kanilang production input at inaasahang lalaki na ang kanilang kita.

Speak Your Mind

*