Isasagawang R1AA ng Deped region 1 ngayong 2017, kasado na

Handang-handa na ang Department of Education o Deped Region 1 sa isasagawang Region I Athletic Association meet o R1AA na gaganapin sa Quirino Bantay, Ilocos Sur sa darating na Marso 3 hanggang Marso 8, 2017.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Darius Nieto, Project Development Officer IV ng Deped-Region 1, na kabilang sa paghahanda ang isasagawang technical conference o solidarity meeting

Kabilang sa dadalo ang lahat ng mga tournament manager, event coordinator at mga school division superentendent na gaganapin sa Marso 2  para pag-usapan ang nasa 23 sports event at ang susunod na magho-host ng R1AA.

Inaasahan naman ayon kay Nieto na maging panauhing pandangal si Senador Manny Pacquiao at Deped Secretary Leonor Briones sa pagsisimula ng R1AA na lalahukan ng ibat-ibang paaralan sa lalawigan ng Pangasinan, La Union, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Kasabay nito, pinaghahandaan narin umano ng Deped ang magiging delegasyon para sa darating na palarong pambansa.

Ang tinig ni Darius Nieto, Project Development Officer IV ng Deped-Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*