Iza Calzado ‘Best Performer Award’ sa Osaka Film Festival 2017

Nasungkit ng aktres na si Iza Calzado ang “Yakushi Pearl Award” o “Best Performer Award” sa pelikulang “Bliss” ni Director Jerrold Tarog sa katatapos na Osaka Film Festival 2017.

Nagpasalamat naman si Iza sa mga staff at crew ng pelikula matapos tanggapin ang naturang award.

Ang pelikulang “Bliss” ay tungkol sa buhay ni Jane Ciego, na nag-umpisang umarte sa murang edad.

Naging film producer si Jane subalit matapos maaksidente ay nakaririnig na ito ng iba’t ibang boses ng mga tao na nais umano siyang saktan.

Kabilang naman sa pelikula sina Ian Veneracion, TJ Trinidad at Michael de Mesa.

Speak Your Mind

*