Jake Cuenca, ‘di pa ready na ma-in love ulit

Hindi pa handa si Jake Cuenca na umibig at pumasok muli sa relasyon.

Aminado si Jake na nasaktan siya sa huli niyang relasyon.

Kaya naman pokus muna raw ang aktor sa kanyang career at kinahuhumalingang sports na triathlon.

Pero mayroon naman daw non-showbiz girl na dine-date ngayon si Jake.

Samantala, hindi pa masabi ni Piolo Pascual kung kailan siya lalagay sa tahimik.

Ayon sa aktor, masaya naman siya ngayon sa kanyang buhay at karera.

Hindi rin aniya isyu sa 40-year old actor kung tatanda man siyang binata.

Ayaw rin daw ni Piolo na ma-pressure siya sa ganitong usapin at kung makapag-aasawa siya ay mangyayari’t mangyayari naman aniya ito sa tamang panahon.

Speak Your Mind

*