Job mismatch, tinutugunan ng Career and Employment Coaching ng DOLE

Patuloy na hinihikayat ng Department of Labor and Employment o dole central pangasinan ang mga paaralang sekondarya para sa kanilang programa na career and employment coaching.

Ito ayon kay Engr. Engracio Baylon, DOLE Central Pangasinan Field Officer, ay upang mabigyan ng kaalaman sa pamamagitan ng kanilang “career guidance” ang mga estudyante.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Baylon na ang hindi tamang pagpili sa kukuhaing kurso ng mga estudyante ay posibleng magbunga ng unemployment at job mismatch.

Sa isinasagawa aniyang career guidance ng DOLE ay mas nakikita nilang ang akmang labor market information at mga in-demand courses para sa mga trabahong kailangan ng bansa.

 

Nabatid na kalimitang dahilan ng unemployment at job mismatch ay hindi tamang pagpili ng kurso.

Speak Your Mind

*