Kahalagahan sa pagdalo ng mga residente sa Barangay Assembly, iginiit ng DILG-Pangasinan

Binigyang din ng Department of Interior and Local Government o DILG ang kahalagahan ng pagdalo ng mga residente sa isinasagawang Barangay Assembly Day (BAD).

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Shiela Marie Andales, Provincial Director ng DILG-Pangasinan na sa mga isinasagawang barangay assembly ay inilalatag ng mga Brgy. Official ang kanilang mga kabarangay ang semestrial report at ang kanilang financial status.

Maliban dito, tinatalakay rin sa Barangay Assembly ang ibat-ibang isyu ng Barangay, mga programang dapat ipatupad at problemang dapat solusyunan.

 

Batay sa monitoring ng DILG, lahat naman ng mga barangay sa Pangasinan ay nakakasunod rito maliban lang sa ilan na hindi natapat ang kanilang aktibidad sa mandato na Synchronized Barangay Assembly Day.

 

Ang tema ngayong 2017 ng Barangay Assembly Day ay “Sulong barangay kontra droga, krimen at katiwalian: Makialam! Makilahok! Makiisa!.

Speak Your Mind

*