Kalusugan ng mga inmates, mahigpit na binabantayan ng BJMP-Dagupan

Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP-Dagupan na regular ang isinasagawang monitoring sa kalusugan ng mga inmates.

Ito ay upang maiwasan ang ibat-ibang sakit na maaaring dumapo sa mga inmates lalo na ngayong mainit ang panahon.

Ayon kay BJMP Jail Warden Atty. Kenneth Bid-Ing, mahalaga ang pagkakaroon ng tamang personal hygiene ng mga preso lalo na sa kanilang kalagayan na congested na.

Sinabi pa ni Bid-Ing na may tala sila ng ibat-ibang klase ng sakit, kayat madali lang sa kanilang isolate ang may sakit na Tuberculuses – TB.

 

Mahigpit din umanong binatanyan ng mga papasok na bisita ng mga inmates kung saan kailangan pa nilang magpakita ng TB clearance mula sa City Health bago sila makapasok.


Mga inmates ng BJMP-Dagupan, nanatiling congested

Nananatiling congested o overcrowding ng mga preso na nakapiit sa Bureau Of Jail Management and Penology (BJMP) sa lungsod ng Dagupan.

Ito’y kahit bahagyang nabawasan ang bilang ng mga preso noong buwan ng pebrero matapos na pansamantalang mahinto ang kampanya kontra ilegal na droga o oplan tokhang ng pnp.

Ayon kay Atty. Kenneth Bid-Ing, Jail Warden ng BJPM na umaabot sa walumpong porsyento ng mga nakakulong sa kulungan ay may mga kaso ng illegal drugs.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, nilinaw ni Bid-Ing, na hindi lahat ng mga nakakulong sa BJMP ang mga residente ng Dagupan.

 

Ganunpaman, tuloy-tuloy naman umano ang mga reformation, livelihood program, religious activity, education, sports at health para sa mga preso.

Speak Your Mind

*