Kampo ng militar sa Maguindanao sinalakay ng BIFF

Sinalakay ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang kampo ng militar sa Bayan ng Datu Salibo, Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry Division Public Affairs Chief Captain Ervin Encinas, dahil sa dami ng sumalakay na BIFF sa pangunguna ni Kumander Bungos ay gumamit sila ng 105mm howitzers cannon.

Tumulong na rin ang dalawang FA-50 fighter jets at dalawang MG-520 attack helicopters at binomba ang mga miyembro ng BIFF na nagtatago sa Sitio Andavit, Barangay Balakanan.

Agad namang lumikas ang mga sibilyan dahil sa takot na maipit sa kaguluhan.

Ayon sa mga sibilyan, apat ang kanilang nakitang nasawi at maraming nasugatan sa panig ng BIFF.

Speak Your Mind

*