Kampo ni dating VP Binay naghain ng mosyon sa Sandiganbayan

Naghain ng motion for reconsideration ang kampo ni dating Vice President Jejomar Binay laban sa desisyon ng Sandiganbayan na i-konsolida ang mga kaso laban sa kanya at sa anak na si dating Makati Mayor Junjun Binay.

Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ni Binay na si Joey Salgado na taliwas ang desisyon sa Internal Rules Jurisprudence ng korte.

Sa Revised Internal Rules ng Sandiganbayan, dapat umanong mai-raffle ang lahat ng mga kaso at hindi rin pinapayagan na awtomatikong maisama ang mga hindi nai-raffle na kaso sa naka-pending na kaso sa korte.

Ang mga kaso laban sa dating bise ay kinonsolida sa Sandiganbayan Third Division sa pamumuno ni Presiding Justice Amparo M. Cabotaje-Tang.

Matatandaan na noong Enero 31 ng taong kasalukuyan, ibinasura ng Anti-Graft Court ang motion to raffle ni Binay.

Speak Your Mind

*