Karagdagang P1,000 benepisyo ng kanilang mga pensyonado, matatanggap na – SSS

Muling kinumpirma ng Social Security System o SSS Central Luzon na matatanggap ng karagdagang P1,000 benepisyo para sa kanilang mga pensyonado

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Maureen Inocencio, Senior Communications Analyst ng SSS Luzon Central Division na maaari nang i-withdraw sa kanilang bank accounts ang karagdagang benepisyo para sa buwan ng Pebrero at Marso.

Nilinaw naman ni Inocencio na ang makakataggap ng karagdagang P1,000 benepisyo ay lahat ng retirado, survivors, total permanent disability pensioners.

 

Samantala, ang mga karagdagang benepisyo para sa buwan ng Pebrero at Marso ay matatanggap sa mga susunod na biyernes ng Marso a-10 at a-17.

Speak Your Mind

*