Kick-off Ceremony ng Fire Prevention Month, isasagawa sa Cabanatuan

Ngayong unang araw ng marso isasagawa ang kick-off ceremonies bilang pag-obserba ng Fire Prevention Month.

Sinabi ni Cabanatuan City Fire Marshall Chief Inspector Roberto Miranda na maraming nakalinyang aktibidad ang nakatakda nilang gawin sa unang araw ng Marso .

Bilang panimula ay magkakaroon sila ng misa na susundan naman ng motorcade kasama ang ilang piling fire truck ng ibang bayan sa lalawigan ng Nueva Ecija, ilang mga business establishment at mga eskwelahan kung saan maglilibot sila sa buong lungsod at mamimigay ng mga leaflets na may nakapaloob na mga tips kung paano maiiwasan ang sunog.

Sa March 3 ay magkakaroon naman ang lungsod ng cabanatuan ng  essay writing, poster making, drawing contest at photo contest na bukas naman para sa mga elementary at high school students, ito naman ay gaganapin sa Robinsons Townville Cabanatuan City.

Ang Fire Prevention Month ay taunang inu-obserba station upang maging mapagmatyag sa kapaligiran ang bawat isa at mas maging maingat upang maiwasan ang mga insidente ng sunog.

Speak Your Mind

*