Kita ng mga magsasaka ng sibuyas sa bayan ng Bayambang, inaasahang gaganda pa

Inaasahang mas gaganda pa ang kita ng mga magsasaka ng sibuyas sa bayan ng Bayambang, Pangasinan sa mga susunod na araw.

Ito ayon kay Artemio Buenzon, Officer-In-Charge ng Municipal Agriculture Office ng Bayambang dahil marami sa mga aning sibuyas ang inilalagay na sa storage.

Dahilan aniya para tumaas ang farm gate price ng sibuyas na aabot sa P20 ang kada kilo.

Sa ngayon pumapalo na sa P25 hanggang P30 ang kada kilo ng sibuyas ang bintahan sa palengke lalot wala pa namang namomonitor na mga imported na sibuyas sa merkado.

Matatandaan na noong nakaraang taon na nakaranas ng pagkalugi ang mga magsasaka ng sibuyas sa lalawigan dahil sa pananalasa ang pesteng army worm.

Speak Your Mind

*