Lahat ng Training Center, hindi lisensyado ng POEA – Jaramilla

Pinaalalahanan ang mga Overseas Filipino Workers o OFW na nag-aaplay ng trabaho abroad na lahat ng Training Center ay hindi lisensyado ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA.

Ito ang babala ni Romeo Jaramilla, Officer-In-Charge ng POEA Regional Office 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Sinabi pa ni Jaramilla na huwag maniwala kung sasabihin ng mga Training Center na sila ay konektado o binigyan ng lisensya ng POEA para magsagawa ng training.

 

Nilinaw naman ng POEA na kung Training Business lang kanilang isinasagawa ay wala namang violation ngunit kung magre-recruit na sila ng trabaho sa abroad na walang lisensya dun na sila makakagawa ng paglabag.

Speak Your Mind

*