Laviña, kinumpirma ang pagbibitiw sa NIA

Kinumpirma ni National Irrigation Administration (NIA) Chief Peter Laviña na nagbitiw na siya sa puwesto.

Sa kanyang Facebook post, itinanggi ni Laviña ang mga usap-usapang nanghihingi siya ng pera sa mga contractor ng NIA.

At para aniya hindi na madamay pa si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagdesisyon siyang magbitiw.

Wala umano siyang personal na interes sa NIA at sa kabuuan ng gobyerno.

Nagpasalamat si Laviña sa pagkakataong makapagsilbi sa gobyerno at sa tiwalang ibinigay ni Duterte sa kanya.

Napabalita ang pagbibitiw sa puwesto ni Laviña nang banggitin ito ni Duterte sa isang pulong sa mga labor group sa Malacañang.

Speak Your Mind

*