Law Industry, pinakamataas magpasahod sa fresh graduates

Nangunguna ang law/legal services industry sa pinakamataas magpasahod sa fresh graduates.

sa inilabas na 2017 Fresh Graduates Report ng Jobstreet Philippines, naitala ang P27,124 na average salary sa law industry.

Pumangalawa naman ang healthcare-related industry na may average salary na P23,216 habang pumapangatlo ang journalism industry na may P21,777 average salary.

Sunod naman ang it-related industry at education industry.

Pinakamababa naman ang advertising o media planning na may average salary na 19,960 pesos.

Speak Your Mind

*