Libreng irrigation service fee sa mga magsasaka, ipapatupad na ng nia ngayong taon

Kinumpirma ng National Irrigation Administration (NIA) region 1 na ipapatupad na ngayong taon ang libreng patubig sa mga magsasaka na sakop ng irregation system.

Ito ayon kay Regional Director Engr. John Celeste, NIA Region 1 ay dahil sa inilaang pondo na National Government ng 2.3 bilyong pisos sa nia para sa programa na NIA Assisted System.

Nilinaw naman ni Celeste na sa ngayon hindi pa sakop ng libreng patubig ang mga nasa communal irregation system o pinapatakbo ng mga non-governmental organization.

Nabatid na kada isang magsasaka ay umaabot sa p4,500 ang binabayaran kada taon sa irrigation service fee.

Sa ngayon ang lalawigan ng Pangasinan ang may pinaka-malaking sakahan sa buong region 1 na umaabot sa 42,685 ektarya, ngunit nasa limamput dalawang porsyento pa lamang dito ang napapatubigan.

Speak Your Mind

*