Libreng vaccination at deworming sa mga large animal, isinasagawa ng OPVET

Binabakunahan ngayon ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVET) ang mga large animals upang matiyak ang kalusugan ngayong mainit ang panahon.

Ang bakuna ay laban sa “hemorrhagic septicemia” o sakit na kaparehas ng trangkaso sa mga alagang baka at kalabaw.

Sinabi ni Dr. Eric Perez, Officer-In-Charge ng OPVET, na ilan sa sintomas ng hemorrhagic septicemia ay ang pananamlay, mahinaang kumain at hindi makatayo dahil sa pangangalay ng kasu-kasuan.

Kapag hindi aniya naagapan ang ganitong sakit na tumama sa mga alagang large animals ay posible nitong ikamatay.

 

Samantala, bukod sa pagbabakuna, nagsasagawa rin ang OPVET ng libreng deworming o pagbuburga sa mga alagang hayop.


Silage making seminar, itinuturo sa mga magsasaka na nag-aalaga ng large animals

Nagsasagawa ng “silage making seminar” ang Office of the Provincial Veterinarian (OPVET) sa mga magsasaka na nag-aalaga ang mga large animals.

Ito’y dahil sa init ng panahon na nararanasan ngayon na nagreresulta ng pagkatuyo ng mga damo na siyang pagkain ng mga alagang hayop gaya ng baka at kalabaw.

Ayon kay Dr. Eric Jose Perez, Officer-In-Charge ng OPVET, malaking kapakinabangan sa mga magsasaka kung matututo silang gumawa ng silage mula sa rice straw at corn stalk.

 

Tiniyak naman ni Perez na ligtas at walang panganib sa kulusugan ng mga alagang hayop ang pagkain ng mga nagagawa mula sa silage making.

Speak Your Mind

*