Lisensya na may three -year validity, makukuha na – LTO-Dagupan

Kumpleto na ang nasa 40,000 back log ng Land Transportation Office (LTO) sa driver’s licenses card na mayroong three -year validity.

Ito ang inihayag ni Richard Agbayani, LTO Chief ng Dagupan City District Office sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan maaari na umanong kuhain ng mga motorista ang kanilang lisensya.

Sinabi ni Agbayani na dalhin lamang ang kanilang hawak na resibo at ipresinta sa tanggapan ng lto para sa pagproseso ng ID Card.

Sakali naman aniyang nawala ang kanilang hawak na resibo ay magpakita lamang ng affidavit of lost.

Partikular namang tinuran ni Agbayani ang mga nagiging problema ng mga motorista sa pagkuha ng lisenya kagaya ng hindi pagsulat ng kumpletong address.

 

Ang tinig ni Richard Agbayani, LTO Chief ng Dagupan City District Office sa panayam ng DZRD Sonshine Radio

Speak Your Mind

*