Listahan ng mga opisyal na sangkot sa droga, hawak na ng PNP

Hawak na ng regional police directors sa buong bansa ang listahan ng mga opisyal ng pamahalaan na kabilang sa drug watch list.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mike Sueno, ipinauubaya na nila ang naturang listahan sa Philippine National Police (PNP) na magsasagawa ng validation sa mga ito.

Alinsunod din aniya ito sa napagkasunduan sa isinagawang Regional Peace and Order Council (RPOC) meeting.

Iniutos naman ng kalihim sa local government officials na tumulong sa kampanya kontra-droga.

Kaugnay nito, nagbigay si Sueno ng panahon sa local government units (LGUs) na dapat ay bumaba sa 20% ang drug affection sa kanilang mga lugar pagsapit ng buwan ng Hunyo.

Like

Speak Your Mind

*