Listahan ng mga tatanggalan ng posisyon sa Kamara, hawak na ni Speaker Alvarez

Hawak na ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang listahan ng mga pangalan ng mga kongresista na posibleng ipalit sa House leaders na miyembro ng Mayorya na tatanggalan ng puwesto.

Ang mga aalisan ng puwesto ay ang mga kongresistang bumoto na hindi pabor sa panukalang death penalty.

Isa lamang sa mga kilalang kongresistang tutol sa Death Penalty Bill na may hawak na posisyon sa Kapulungan ay si dating pangulo at kasalukuyang Deputy Speaker Gloria-Macapagal Arroyo.

Sa ginawang botohan kahapon sa Kamara, tuluyan na ngang naipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang Death Penalty Bill matapos na makakuha ng nasa higit dalawandaang boto mula sa mga kongresista.

Speak Your Mind

*