LP, titiyaking hindi maipapasa ang death penalty sa Senado

Nangako ang Liberal Party (LP) na tututulan nila ang pagpasa ng death penalty sa Senado.

Sa isang pahayag, sinabi ni LP President Senador Kiko Pangilinan na ikinalulungkot nila na inaprubahan ng mga miyembro ng Kamara ang naturang panukala nang walang ginawang debate.

Naninindigan naman aniya ang LP na marahas at hindi makatao ang capital punishment.

Nangako si Pangilinan na pipigilan ng LP senators na maipasa sa Senado ang death penalty.

Speak Your Mind

*