Magnitude 5.6 na lindol, tumama sa Davao Occ

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Davao Occidental.

Naitala ang pagyanig sa dalawandaan walumpu’t dalawang kilometro Timog ng Sarangani, Davao Occidental, kaninang alas-11:30 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol at may lalim na sandaan dalawampung kilometro.

Wala namang naitalang pinsala at inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Speak Your Mind

*