Mahigit 1,000 Brgy. Captain, inaasahang dadalo sa Pangasinan Provincial Summit of Federalism

Mahigit isanlibong mga punong barangay ng lalawigan ng Pangaisnan ang inaasahang dadalo sa isasagawang Pangasinan Provincial Summit of Federalism na gaganapin sa Marso a-trenta’y uno.

Ito ang inihayag ni Shiela Marie Andales, Provincial Director ng Department of Interior and Local Government o DILG-Pangasinan kung saan isasagawa ito sa Sison Auditurum sa bayan ng Lingayen.

Bukod sa mga Barangay Officials, inaasahan rin ang pagdalo ng mga municipal at city mayor, congressman mula sa anim na distrito ng Pangasinan, sangguniang panlalawigan at provincial government.

Sinabi naman ni Andales na sa pamamagitan ng naturang federalism summit ay maipapakilala sa mga local chief executive kung ano ang pederalismong isinusulong ng duterte administration.

 

Nabatid na mandato na sa DILG na ipaabot sa mga barangay ang usapin hinggil sa pederalismo partikular na sa mga isinasagawang Barangay Assembly.

Speak Your Mind

*