Mahigit 13,000 kabahayan sa Umingan, muling susuyurin ng PNP

Oplan Tokhang Revisited

Ito na ang isasagawa ng Umingan PNP sa pagbabalik ng kampanya kontra ilegal na droga o ang Oplan Tokhang Reloaded.

Ayon kay Police Chief Inspector (PCI) Jose Abaya, Officer-In-Charger ng Umingan PNP, lahat ng mga drug surrenderer ay muling bibisitahin ng pnp kasama ang mga Barangay Officials, Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at mga church leader.

Kasabay nito tiniyak ni Abaya na ang kanilang isinasagawang police operation ay wala silang nalalabag na standard operation procedure at karapatan ng mga drug personalities.

 

Nabatid na sa bayan ng Umingan, umabot na sa mahigit 13,000 kabahayan mula sa 58 barangay ang nabisita ng PNP, habang limang barangay o katumbas ng mahigit 1,000 kabahayan pa ang hindi naki-cleared.

Umaabot naman sa 585 na mga drug personalities ang nag-surrender sa wars on drug ang pamahalaan.

Speak Your Mind

*