Mainit na panahon, makakatulong sa mabilis ng paglaki ng isda ayon sa BFAR

Malaki umano ng itutulong ng mainit na panahon sa mabilis na paglaki ng mga alagang isda.

Ito ayon kay Glicerio Legaspi, Provincial Fishery Officer ng BFAR-Pangasinan Fishery Office, mas matakaw kumain ang mga alagang isda kung mainit ang panahon.

Taliwas umano ito kapag malamig ang panahon na mabagal ang paglaki ng isda.

 

Mas nagiging mataba, malasap at masustansya ang mga alagang tilapia at bangus kung mataas ang dissolved oxygen level na nagreresulta ng mas maalat ang tubig.

Nagbabala lang ang BFAR na batayan ng subrang pag-init ng tubig dahil posible itong magresulta ng pagkamatay ng mga alagang isda.

Speak Your Mind

*