Mataas na bilang ng mga nagpapa-rehistro, mula sa mga kabataan – Comelec-Pangasinan

Mas aktibo ngayon ng mga botante na kabilang sa Sangguniang Kabataan (SK) na magparehistro sa isinasagawang voters registration ng Commission on Elections o Comelec-Pangasinan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio sinabi ni Eric Austria, Provincial Assistant Comelec Supervisor na batay sa kanilang datos, nakikita nilang mas marami ang mga SK na nagpaparehistro kaysa mga regular voters.

Sa ngayon umaabot na sa 63,330 ang bilang ng mga botante na naitala sa Pangasinan, 35,991 dito ay mula SK voters at 27,339 mula sa mga regular voters.

Dagdag pa ni Austria na malaking tulong dito ang information dissemination ng media at ang kanilang mga isinasagawang voters registration sa mga barangay.

 

Inaasahan naman na patuloy pang madaragdagan ang mga botante sa Pangasinan dahil sa mga isinagawang voters registration ng Comelec na magtatagal hanggang April 29, 2017.

Speak Your Mind

*