Mga biktima ng ‘rent-sangla’, dismayado sa paglaya ng akusado

Dismayado ang ilang biktima ng ‘rent-sangla scam,’ matapos mapabalitang nakalaya na ang pangunahing akusado sa kaso na si Rafaela Anunciacion.

Sa panig ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), wala umano silang magagawa kundi palayain si Anunciacion dahil nakakuha ito ng release order mula sa korte.

Ito ay matapos payagan ng korte na magbayad ang suspek ng P40,000 piyansa para sa kasong estafa.

Bagama’t nakasuhan na ito ng non-bailable na large scale estafa, wala pa namang inilalabas na panibagong warrant of arrest ang Laguna Court na may hurisdiksiyon sa kaso nito.

Speak Your Mind

*