Mga isinasagawang direct hiring, hindi umano naituturing na ilegal ayon sa POEA

Hindi na umano maituturing na illegal ang isinasagawang direct hiring sa mga Overseas Filipino Worker o OFW na nag-a-aplay direkta sa employer sa abroad.

Ito ang nilinaw ni Romeo Jaramilla, Officer-In-Charge ng POEA Regional Office 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon pa kay Jaramilla, ang tamang proseso ng direct hiring ay kapag nakakuha na ng employer sa abroad, ang lahat ng papeles ng OFW gaya ng Visa at kontrata ay idinadaan sa tanggapan ng POEA para sa evaluation.

Tiniyak din umano ng POEA sa pamamagitan ng verification sa mga employer sa abroad kung sila ay mababait, hindi mambabatos, at may kakayahang magbayad ng manggagawa.

Dagdag pa ni Jaramilla na ang nagiging problema lang aniya ay yung basta-basta naniniwala sa direct hiring at agad nagbayad ngunit wala paang tiyak na trabaho sa ibang bansa.

 

Ang tinig ni Romeo Jaramilla, Officer-In-Charge ng POEA Regional Office 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*