Mga kababaihan na dumaranas ng pag-aabuso, mapro-proteksyunan na ng batas

Sa ilalim ng Republic Act 9262 o Anti-Violence Againts Women and their Children, may proteksyon na ang mga kababaihan na dumaranas ng pag-aabuso.

Ito ayon kay Atty. Raymond Bautista, Senior Associate ng ACES Law Offices kung saan sa ilalim ng batas pinuprotektahan nito ang mga kababaihan at kanilang mga anak laban sa karahasan gaya ng physical, emotional, psychological at economic abuse.

Sinabi pa ni Bautista na kapag nakaranas ang physical abuse ang isang babae lalo na sa kanyang asawa, maaari na itong mapigilan sa pamamagitan ng proteksyon order mula sa Barangay.

 

Samantala, maaari din aniyang makakuha ang permanent protection order sa pamamagitan ng petition sa family court lalo na kung may basihan ang isang reklamo.

Speak Your Mind

*