Mga kukuha ng student permit sa LTO, mabibigyan na ng ID Card

Mabibigyan na rin ng ID Card ang lahat ng kumukuha ng student permit sa Land Transportation Office (LTO).

Ito ayon kay Richard Agbayani, LTO Chief ng Dagupan City District Office kung saan ang dati lamang ibinibigay sa student permit  ay papel.

Ang maaari naman umanong bigyan ng student permit ang may edad labing pito, mayroong ng birth certificate, government issued id at medical certificate.

Dagdag pa ni Agbayani na pwede nang kumuha ng medical certificate sa kahit sinong doktor matapos alisin ng LTO ang mga accredited agency na nagbibigay ng medical certificate.

 

Hindi na rin aniya requirement ang Police o NBI Clerance sa pagkuha ng student permit kundi ito ay kailangan lamang para sa pagkuha ng professional permit.

Sinabi pa ni Agbayani na kahit taga-saan ang kukuha ng student permit basta nakumpleto nito ang mga kaukulang requirement ay mabibigyan ito ang lisensya.

Speak Your Mind

*