Mga pulis na idinawit ni Lascañas sa DDS, iimbestigahan ng PNP

Nakatakdang imbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang mga miyembro nito na idinawit ni SPO3 Arturo Lascañas sa aktibidad ng Davao Death Squad (DDS).

Ayon kay PNP- Internal Affairs Service (IAS), Deputy Inspector General Police Director Leo Angelo Leuterio, bineberipika na ng PNP ang mga bagong impormasyong lumabas sa testimonya ni Lascañas  sa pagdinig ng Senado.

Sinabi ni Leuterio na kumikilos na ang kanilang fact finding investigation upang isalang sa validation ang mga pangalan ng mga pulis na nasa active service pa na binanggit ni Lascañas.

Kabilang sa mga binanggit na pangalan ni Lascañas ay sina Police Sr. Supt. Rommel Mitra na ngayon ay chief directorial staff ng PNP Region 3, Police Sr. Supt. Antonio Rivera na deputy chief ng Davao City Police at SPO1 Jim Tan.

Samantala, si SPO4 Sonny Buenaventura ay nagretiro na sa serbisyo.

Nabanggit din ang pangalan nina Police Sr. Supt. Vicente Danao na ngayon ay chief directorial staff ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at si PNP Chief Police Director Ronald Dela Rosa.

Speak Your Mind

*