Mga skilled workers, in-demand na trabaho sa mga isinasagawang job fair ng PESO

Patuloy na hinihikayat ng Public Employment Service Office (PESO) ang mga aplekante na samantalahin ang kanilang mga isinasagawang job fair sa kanilang tanggapan.

Ayon kay Wilfreda Vicente, Labor and Employment Officer II, na in-demand parin na trabaho ang mga skilled workers at mga call center agent dito sa local at sa labas ng bansa.

Payo naman ni Vicente na upang mas mabilis na nakakuha ng trabaho, ihanda ang kanilang sarili at kompletuhan ang mga kailangang dokumento.

Naniniwala ang PESO na bukod sa job mismatch, isa rin sa problema kung bakit nahihirapang makakuha o matanggap sa trabaho ang isang aplekante ay dahil sa hangaring magkaroon ng mataas na sahod.

Paalala naman ni Vicente sa mga aplekante na dapat sa mga legal na recruitment agency lang mag-apply ng trabaho upang maiwasan na mabiktima ng mga illegal recruiter.

Speak Your Mind

*