Nagaganap na sunog sa mga kabundukang sakop ng Pangasinan, ikinababahala na

Ikinabahala na ni 2nd District Congressman Leopoldo Bataoil ang nagaganap na sunog sa mga kabundukang sakop ng bayan ng Sual, Aguilar, at Bugalon, Pangasinan

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Bataoil na dahil sa mainit ang panahon ngayon, mas madaling sumiklab ang mga tuyong dahon at damo.

Dagdag pa ni Bataoil na sa maliit na pagkakamali lang ng mga nag-uuling at nagkakaingin ay maaring magbunga ito ng malawakang sunog sa kabundukan.

Kasabay nito, hinihikayat ng mambabatas ang publiko na maging environmental concious at magkaroon ng pre-emtive measures ang gaya ng paglalagay ng fireline at suplay ng tubig

 

Ang tinig ni Pangasinan2nd District Congressman Leopoldo Bataoil sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*