Nagtapos sa DARE Program ng pppo, umaabot na sa mahigit dalawang libo mag-aaral

Umabot na sa mahigit dalawang libong mag-aaral sa lalawigan ng Pangasinan ang nagtapos sa drug Abuse Resistance Education (DARE) Program ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO).

Ang DARE Program ng PNP na ay nagsimula noong nakaraang taon kung saan dalawamput tatlong bayan sa lalawigan ang kabilang sa naturang program.

Ayon kay Ps/Insp. Jairilyn Camangian, ng Pangasinan PPO na mas nakatuon sa moral values pormation ang dare program kung saan itinuturo dito ang mga epekto ng paggamit ng ilegal na droga, at ang epektibong paraan kung paano tumanggi.

Kasama rin sa itinuturo ang mga estudyante na nasa ika-lima at anim na baitang sa elementarya ang masamang epekto ng pag-inum ng alak at paggamit ng sigarilyo.

Speak Your Mind

*