Naitalang sunog sa Rehiyong Uno, bumaba ng nasa dalawamput walong prosyento

 

Bumaba ng nasa dalawamput walong prosyento ang naitalang sunog sa rehiyong uno noong 2016.

Sa ginanap ng Kapihan sa Ilocos, inihayag ni Regional Director BFP Senior Supt. Lilibeth Simangan na bunga ito ng pinaigting nilang fire education sa kumunidad.

Batay sa tala ng BFP, mula sa naitalang sunog noong 2015 na nasa 1,594, umabot na lamang ito sa 970 noong 2016.

Nananatili naman na ang electrical overloading, mga appliances na napabayaan, naiwang mga niluluto, at ang napabayaang mga kandila, at gasira ang nangungunang dahilan ng sunog.

Iginiit din ni Simangan ang kahalagahan ng fire education at fire safety consciousness upang maiwasan ang sunog

 

Tuloy-tuloy naman aniya ang isinasagawang “barangay ugnayan” ng BFP upang matiyak ang fire prevention, kasama na ang mga isinagawang fire drill sa mga commercial area at mga paaralan.


Fire prevention month campaign ng BFP Region 1, mas pinaigting

Mas pinaigting ang kampanya ng Bureau of Fire Protection o BFP Region 1 sa selebrasyon ng Fire Prevention Month ngayong buwan Marso na may temang “buhay at ari-arian, ay inyong pahalagahan, ibayong pag-iingat sa sunog sa pamamahay simulan.

Ayon kay BFP Senior Supt. Lilibeth Simangan, na nagsasagawa sila ng house to house campaign at nagtuturo ng mga fire prevention tips upang maging aware ang kumunidad sa panganib ng sunog.

Ibinababatid din sa kumunidad na ang buwan ng Marso ang may pinaka-mataas na tala ng sunog dahil sa mainit ng panahon.

 

Una na aniyang nagsagawa ng kick off ceremony ng BFP noong March 1 bilang hudyat sa pagsisimula ng Fire Prevention Month, bukod pa sa mga isinagawang fire prevention games, contest gaya ng drawing, poster making, photography at easy writing contests.

Kasabay nito, tiniyak ni Simangan na hindi lang naman buwan na marso aktibo ang bfp kundi buong taon naman nila itong ginagawa.

 

 

Speak Your Mind

*