National Achievers na Pangasinense, binigyang pagkilala ng Sangguniang Panlalawigan

Binigyan ng pagkilala ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang mga ilang National Achievers na Pangasinense sa isinagawang flag ceremony ngayong araw sa Capitol Ground sa bayan ng Lingayen.

Pinangunahan ito ni Shiela Marie De Guzman, mula bayan ng Manoag na nakakuha ng ika-pitong puwesto at 10 membro ng Salaknib Class na nagtapos sa PMA ngayong taon.

Kabilang din sa kinilala si Arnold Geronimo ng bayan ng Manaoag na nakakuha ng ika-limang puwesto sa Medtech Board Examination, si Gen. Reynaldo G. Biay, mula sa bayan ng Mangaldan na bagong promote na Police Chief Superintendent, Deputy Regional Director for Administration.

Kasama rin sa binigyan ng pagkilala si Police Director Roel Barcena Obusan, mula sa bayan ng Laoac na bagong Director of the Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-Pangasinan.

 

Speak Your Mind

*