NBI, tututukan ang nag-ooperate ng shabu laboratory sa war on drug ng gobyerno

NBI, tututukan ang nag-ooperate ng shabu laboratory sa war on drug ng gobyerno

Katuwang narin ngayon ng Philippine National Police, (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang National Bureau of Investigation (nbi) sa war on drug ng Duterte adminstrasyon.

Ayon kay NBI-Pangasinan Director atty. Dante Bonuan, tututukan ng kanilang ahensya ang mga sindikato na nasa likod ng malalaking illegal drug trade maging ng nag-o-operate ng shabu laboratory.

Sinabi pa ni Bonuan na maganda ang koordinasyon ng PNP at NBI kayat tiyak umanong mas mabilis nilang matutugis at mabubuwag ng mga sindikato na nasa likod ng iligal na gawain.

Malaki umano ang maitutulong ng NBI sa pagpapalawig ng mga intelligence report na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Kasabay nito, tiniyak naman na kung magsasagawa na ng anti-illegal drug operation ay magkakasama ang tatlong ahensya.

Speak Your Mind

*