NMIS, tuloy sa pagmomonitor sa mga karne na ibinibenta sa mga pamilihan

Patuloy ang ginagawang pagtuturo ng National Meat Inspection Service (NMIS) Regional Office 1 katuwang ang mga lokal na pamahalaan patungkol sa proper handling.

Kasama na umano rito ang short courses, orientation and seminar upang matiyak na ligtas ang mga karneng ibinibenta sa merkado.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Dr. Eduardo Oblena, NMIS Regional Director na sa ilalim ng Aministrative Order No, 05 nakapaloob dito ang Proper Handling of Newly Slaughtered Meat.

Iginiit ni Oblena na lahat ng uri ng karne mula sa slaughter house dapat maibenta sa loob lamang ng walong oras.

 

Sakali naman aniya na hindi dumaan sa tamang proseso o inspection ng mnis ang mga ibentang karne sa ilalim ng Proper Handling of Frozen Meat Product ay maari nila itong kumpiskahin.

 

Ang tinig ni Dr. Eduardo Oblena, NMIS Regional Director sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.


Slaughterhouse na accredited sa NMIS, umaabot lamang sa siyam sa buong rehiyong uno

Siyam lamang sa buong rehiyong uno ang slaughterhouse na accredited sa National Meat Inspection Service (NMIS).

Ito ang inihayag ni Dr. Eduardo Oblena, NMIS Regional Director sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan walo dito ay Double A at isa ay Class Single A.

Umaabot naman umano sa siyamnaput walong slaughterhouse na nasa kategorya na locally registered meat establishment.

Kasabay nito, aminado si Oblena na laganap parin sa rehiyon ang backyard slaughtering partikular na sa pagkakatay ng mga manok at baboy.

 

 

 

Iginiit ni Oblena na maaari namang dalhin sa mga small scale poultry dressing plant na accredited ng NMIS ang mga manok na kakatayin upang maiwasan na makumpermiso ang kalusugan ng publiko.

Speak Your Mind

*