Oplan Summer Vacation 2017 ng PDRRMO, ikinakasa na

Ikinakasa na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ang kanilang Oplan SUMVAC o Oplan Summer Vacation 2017 upang maiwasan ang insidente ng pagkalunod.

Kabilang na rito ang target nilang zero drowning incident sa mga baybayin ng Pangasinan lalo na sa darating ng bakasyon.

Ayon kay Avenix Arenas, Training at Information Officer ng PDRRMO, bahagi sa kanilang preparedness plan ay ang pagpapalakas sa kanilang beach tower, at pagdaragdag ng augmentation mula sa mga accredited community volunter.

Hindi rin naman umano nawawala ang paalala sa publiko sa ipinapatupad na curfew hour o 6PM no swimming policy at pagpapaalala na iwasang mabiktima ng jellyfish sting.

Speak Your Mind

*