Organic fertilizer gamit ang dumi ng kalabaw, itinuturo narin ng PCC

Hindi tumitigil ang Philippine Carabao Center o PCC sa paglikha ng pagkukunan ng kabuhayan ng mga magsasaka na nag-aalaga na kalabaw.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi Gloria Dela Cruz, Center Chief ng PCC – Region 1 na maliban sa paggagatas sa kalabaw, nagtuturo din sila paggawa ng organic fertilizer gamit ang dumi ng kalabaw.

Ayon kay Dela Cruz, sa simpleng paraan sa paggawa ng vermi composting ay maaari nang kumita ang mga magsasaka ng P250 hanggang P400 kada 50 kilos ng pinatuyong dumi ng kalabaw.

Una ng sinabi ni Dela Cruz na kumikita ng P400 hanggang P1,000 kada araw ang mga magsasaka na nagpapagatas ng kalabaw.

Dahil dito, sinisikap umano ng PCC na makapagsagawa ng training sa mga barangay ng pangasinan upang turuan ang mga residente ng mga kaalaman hinggil sa livestock industry.

 

Ang tinig ni Gloria Dela Cruz, Center Chief ng Philippine Carabao Center sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*