Pacquiao-Khan fight kanselado na

Kanselado na ang inaabangang harapan nina Manny Pacquiao at Amir Khan, na nakatakda sana sa Mayo a-beinte.

Kinumpirma ito ni Top Rank Promoter Bob Arum.

Ayon kay Arum, nakatakda pa lang itong sabihin kay Pacquiao ng adviser nitong si Michael Koncz.

Kakausapin daw umano niya si Pacquiao para sa panibagong fight proposal pero hindi na umano si Khan ang makalalaban ng Pambansang Kamao.

Para kay Arum, mas posible ang labang Pacquiao-Jeff Horn sa Australia.

Si Khan ang napiling makalaban ni Pacquiao matapos itong manguna sa ginawang Twitter poll ng Pambansang Kamao.

Speak Your Mind

*