Pagbara sa ilang irrigation cannal sa Pangasinan, dahil sa mga itinatapong mga basura

Basura ang isa na dahilan ng pagbara sa daloy ng tubig sa irrigation cannal sa bahagi ng Zone III-b sa Barangay Minien, Sta. Barbara, Pangasinan.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Ernesto Pamoceno, Presidente ng Pangasinan Federation Irrigation Association na nagkaroon sila ng resulotion sa Agno River Irrigation System dahil sa baradong irrigation cannal.

Kasabay nito, patuloy na hinihikayat ni Pamoceno ang mga magsasaka lalo na sa malapit sa mga irrigation cannal na iwasan ang pagtatapon ng basura.

 

Hinihikayat din nito ang lahat ng mga local government unit na magpatupad ng ordinansa na ipagbawal ang pagtatapon ng basura malapit sa irrigation cannal alinsunod sa Republic Act 9003 o mas kilala sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Speak Your Mind

*